Uwian Na
October 22nd, 2007 by princedrewMatagal din akong lakad ng lakad,
Di naman alam kung ano ang hinahanap.
Sa isip ko’y maraming tanong,
Sa tenga ko’y maraming bumubulong.
_____
Ako’y lubhang litong-lito,
Sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Bakit ganun?"
…yan ang madalas kong tanong.
_____
Mga paa ko’y pagod na,
At di alam kung san na pupunta.
Marahil ito’y hudyat na..
..para umuwi na!
_____
Tara na… Uwian na…
Oras na para magpahinga.
Tahakin ang landas pabalik,
At huwag na ulet naising umalis!
_________________________
…I’M HOME AGAIN WITH MY FATHER UP THERE! He is really faithful in my life and to the lives of His children. Now i know that my life will never be the same again..changing from glory to glory!